I Love Matt Gabrielle So Much ü
EMOTIONS. #arandomthought

Di ko alam kung bakit ko to ginawa eh. Inaantok lang siguro talaga ko.. Bawal naman mag afternoon nap kasi 8mos preggy. Malapit lapit nadin lumabas tong anak ko. Alam ko madaming pagbabago mangyayari sa buhay ko pag nangyari yun. I have to put away my childish thoughts and start being a responsible mom to my Gab. Sympre hndi naman madali yun. Unang una hindi pa talaga ko ready for this kind of big responsibility. But since pinagkatiwalaan ako ni God na kaya kong i handle tong blessing na binigay niya sken, GORABELLS LANG! :DDD

Si Miko. Actually, masyado na din akong naguguluhan sa takbo ng relationship namin eh. I love him. Of course the whole world knows that. Kaso parang feeling ko may nagbago. I wanna know kung ano yun, kaso kahit halungkatin ko pa yung nararamdaman ko, still hindi ko magets kung ano yung nagbago eh. Ayokong maghiwalay kami, pero mas madalas kong naiisip na magiging okay ang lahat kung maghihiwalay na lang kami since masyado ng puno ng lamat yung pagsasama namin. Minsan pakiramdam ko, kaya nalang namin pinipilit na ayusin yung relationship namin kasi may Gab. Pero kung wala, I think hindi na para ipilit pa. Palagi niyang sinasabi sakin na mahal niya ko, kami ng anak nya. Pero hindi ko na makita yung pagmamahal na yun eh. Yung effort. Yung pagbabago na sinasabi nya. And it’s so unfair to him. Kahit naman ano yung ginawa niya sken in the past, I still don’t make it a point para iparamdam sakanya yung feeling ng pinaparusahan. Kahit naman papano we share good times. Naging masaya din naman ako sa piling niya kahit mas lamang ung part na sinaktan, niloko, pinagpalit or kahit ano pang tawag mo dun. Malaki padin ang naging role nya sa buhay ko. Madami akong natutunan sa kanya na hindi ko natutunan sa mga naging past relationships ko. Madami akong naexperience na bagay na sakanya ko lang din naexperience. Siya yung daddy ni Gab so hindi naman pwede na basta basta nalang ako magdecide na pwede kong pagsisihan sa huli. I want to give him a chance naman na patunayan sakin na he can be better. Pero kasi, alam mo yun? Ang dami nading chance na nasayang.. And ang dami nading doubt sa utak ko. Hayy. Ewan ko ba.. Nahihirapan nadin ako minsan. Gusto kong sabihin sa kanya kung ano talagang nararamdaman ko pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ang dami pading tanong sa isip ko na hindi masagot. And alam ko na kailangan kong harapin ung mga sagot nya sa mga tanung na yun dahil un lang ang makakapagpalaya sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Feeling ko yun lang din yung way pra mapatawad ko sya.. At kahit papano maging magaan yung nararamdaman ko. Nung nagkaron kasi ng chance na malaman ko lahat ng katotohanan, hndi ko ginrab yung opportunity kasi ntakot akong masaktan. :( Alam kong mssaktan ako.. :/ Pero sana dumating yung panahon na maging okay lahat.. Para naman kahit papano maging buo yung dating ako.. Yung hindi ganito..

ANG DRAMA NO? PERO IN FAIRNESS NAWALA YUNG ANTOK KO! HAHA.

hplyrikz:

The best quotes on Tumblr.